Thursday, July 17, 2008

To Drivers of Pasig-Quiapo Route

Bakit ang mga jeepney drivers ng Pasig-Quiapo route eh hindi marunong magbilang kung ilang kilometers from origin to destination. Matagal ko na kasing problema to tuwing pumupunta ako sa Wack-wack galing ng Rotonda. Bago pa ang recent na fare hike, 10 pesos ang sinisingil sa akin ng mga driver ng Pasig-Quiapo na route. Eh dapat P9.25 lang kasi 5 kilometers lang and distance nun. Dati kasi 8 pesos lang for the first 4 kms tapos additional P1.25 for each succeeding kilometer. Pero dahil nung time na yun malapit na rin maimplement yung bagong pamasahe eh hinayaan ko na lang muna. Ngayong naimplement na yung bagong pamasahe (P8.50 for first 4kms and additional P1.50 for each succeeding km.) eh ang singil na from Rotonda to Wack-wack eh P11.50 na. Honga naman, kasi dati ang singil nila 10 pesos. Eh ang point eh dati nang mali ang singil nila sa pamasahe. Sa bagong fare rates, dapat 10 pesos lang talaga ang dapat ibayad ko kasi 5 kilometers lang naman ang distance from Rotonda to Wack-wack. Pano ko naprove na 5 kms yun? Chineck ko yung fate matrix nila. Each line dun sa fare matrix corresponds to 1 km, eh from Rotonda binilang ko kung pang-ilang line yung Wack-wack, eh pang lima sya. Tinanong ko ang driver kung magkano from Rotonda to Crossing (4 kms) eh ang sabi 10 pesos daw! Potek eh bakit ang byaheng Pasig-Crossing United ang singil eh 8.50 lang, which is siyang dapat. Ibig bang sabihin hindi marunong magbasa ng fare matrix ang mga drivers ng Pasig-Quiapo na route? Everytime na sinusundo ko si misis sa wack-wack eh lagi kong ineexplain sa driver na malalaman sa fare matrix kung ilang kilometers ang distance from origin to destination at palaging hindi naiintindihan ng mga drivers. Sarado kasi ang isip nila na kung magkano ang dating singil nila eh magpapatong lang sila ng P1.50 yun na yung bagong singil. Eh paano kung yung dating sinisingil nila eh dati na palang mali? Kawawa naman ang mga pasahero, dami ring pasahero na nagtataka bakit 10 pesos ang singil from Crossing to Rotonda pero hinahayaan na lang nila. Iniisip kong ireport ito sa LTFRB pero nagdadalawang isip ako kasi baka hindi naman aksyunan ito.

Next time na magbyahe ulet ako, ililista ko yung buong fare matrix ng Pasig-Quiapo route at ipopost ko dito. For now, itutuloy ko pa rin yung pageeducate sa mga drivers at sana matutunan nila ang tamang pagbabasa ng fare matrix.

5 comments:

Anonymous said...

Just would like to check how many kilometers is it from Jose Rizal University to Oranbo Pasig and vice-versa. Jeepney Drivers of the Pasig-Quiapo route charge different fares.
Sometimes I am being asked to pay only P8.50, others charge P9.00, P9.50 and P10.00. Magkano ba talaga ang dapat ibayad? The LTFRB should be able to educate the drivers on the charging of correct fares, para walang pandaraya on both the riding public and the jeepney drivers.

rabbyph said...

nako ako naman reklamo ko yung sa Bus. hindi pareparehas yung singil nila, may 24, 25, 27 at 30! pero same lang yung route.. siguro kasi yung iba pang tourist type yung bus kaya mas mahal? e ganun din nakatayo naman ako lagi. dapat nga pag naka tayo bawas ang bayad. sa jeep naman libre na ang sabit. (baka wala ng umupo sabi halat haha... pilipino pa!?

rabbyph said...

sa bus ako asar, hindi pareparehas nag singil naninira ng budget

rabbyph said...

NOTE: hindi ito comment

twice ko ata napost yung comment ko sana.. aprub mo nalang yung mahaba wag yung 2nd :D pati to reject mo :D

kuyanin said...

matagal tagal nang mejo dormant tong blogsite mo ah. :) napadaan lang po.